Umabot sa mahigit 20,000 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) ang naapektuhan ng technical glitch na naranasan sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) ng naia nitong unang araw ng taong 2023.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na nasa 16,000 pasahero ng domestic flights ang apektado habang 8,000 sa international flight.
Nilinaw naman ng tagapagsalita na nakaalis o nakauwi na ang ibang pasahero matapos makapagre-book ng flights.
Samantala, sinabi ni Villaluna na fully-restored na ang radar system ng bansa.