Hindi dapat ipangamba ng publiko ang isyu hinggil sa 20,000 bilang ng pagtatangkang pag-atake sa website ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan, natukoy din ang ilang Internet Protocol Address (IPS).
Ito ang inihayag ni comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco dahil napigilan naman ito at nablock sa tulong narin ng poll body mula sa Department of Communications and Technology (DICT) at Cybercrime Investigation Division.
Ayon kay Laudiangco, hindi dapat mag-alala o maalarma ang bansa dahil matagal nang pinaghandaan ng komisyon ang naturang insidente kung saan, mas pinagtibay pa ang kanilang website para sa Halalan 2022.