220 FB pages at 73 accounts na karamiha’y mula sa Filipino community ang binura ng social media at social networking company na Facebook.
Ito’y dahil sa paglabag sa spam policy ng Facebook at pag-manipula sa public information sa pamamagitan ng paggamit ng fake accounts at pagbebenta ng administration access.
Ayon kay Nathaniel Gleicher, head ng Facebook cybersecurity policy, kabilang sa binura ang Filipino page na Twinmark Media Enterprises, na pina-follow ng 43 milyong FB accounts kung saan mayorya ay Pinoy;
Filipino Channel Online, Gorgeous Me, Unhappy, Text Message at TNP media na mayroon ding milyun-milyong followers.
Ipinabatid na aniya nila sa gobyerno ng Pilipinas ang naging hakbang ng Facebook subalit wala naman silang rekomendasyon kung anong dapat gawin ng pamahalaan.