Mahigit 22,000 bag ng smuggled rice ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa dalawang vessel sa Basilan.
Batay sa impormasyon mula sa PCG, nakita ng kanilang grupo habang nagpapatrolya sa Tamuk Island, bandang alas kwatro ng hapon ang M/L Overseas.
Dito nakuha umano ang 10,000 bags ng undocumented rice.
Makalipas lamang ang 20 minuto ay namataan naman ang M/L Nadeepa sa bahagi ng kanluran ng Maluso, Basilan kung saan nasamsam ang labing dalawang libong bags ng smuggled na bigas.
Dinala na ang dalawang sa Zamboanga City Port para ma-i-proseso ang pag turn over sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).