Pumapalo sa mahigit 22,000 Chinese nationals ang bumisita sa Pilipinas ngayong taon.
Ipinabatid ito ni Tourism Undersecretary Verna Buensuceso, Office-in-Charge ng Department of Tourism (DOT) Development matapos sabihing mga Chinese nationals ang ikalawang pinakamalaking bilang ng mga dayuhang bumisita sa bansa na nasa halos 2 million taun-taon bago ang pandemya.
Sinabi ni Buensuceso na kabilang sa factors nang bumabang bilang ng Chinese tourists ay ang COVID-19 policies ng China tulad nang pagsailalim sa quarantine pagbalik sa kanilang bansa.
Sa taong ito, inihayag ni Buensuceso na mga Amerikano ang nangungunang turistang bumisita sa bansa, ikalawa ang South Koreans at sinundan ng Australians, Canadians, British nationals at Japanese tourists.