Pumalo sa 22,066 na mga indibidwal ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila sa loob ng isang buong araw.
Ayon sa Manila Health Department (MHD), ito’y mula sa 19 na mga mass vaccination sites sa lungsod.
Paliwanag ng pamahalaang lungsod ng Maynila na patunay lamang ito na naaabot ng lungsod ang target nilang 18,000 na kataong mababakunahan kada araw.
Kasunod nito, umaasa si Manila Mayor Isko Moreno na patuloy na makapagtatala ng mataas na bilang ng mga nababakunahan ang pamunuan ng MHD.
Sa huli, nanawagan si Moreno sa mga nasasakupan nito na magpabakuna na kontra COVID-19.