Dalawampung (20) miyembro ng Abu Sayyaf Group ang patay matapos bombahin ng militar mula sa ere ang kampo ng mga bandido sa Barangay Pamatskaen, Sumisip Basilan.
Sinasabing doon nagkukuta ang Abu Sayyaf sub-leader na si Furuji Indama.
Ayon kay 4th Special Forces Battalion Commmanding Officer Lt. Col. Andrew Bacala, ginamitan nila ng supersonic fighter jets ang mga bandido, bukod pa sa mga kanyon at baril.
Narekober ng militar ang mga materyales sa paggawa ng bomba, mga pagkain at tatlong (3) live IEDs o improvised explosive devices kung saan isa (1) ang sumabog na ikinasugat ng2 sundalo.
Tuluyan na ring nakubkob ng militar ang kampo ng mga bandido alas-10:00 ng umaga kahapon.
Nakasagupa naman ng mga sundalo ang mga tumatakas na bandido 300 metro mula sa nakubkob na kampo ng Abu Sayyaf.
By Meann Tanbio | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
20 miyembro ng Abu Sayyaf patay sa airstrike ng militar sa Basilan was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882