Mahigit 24,000 na mga barangay sa buong bansa ang idineklarang ‘drug-cleared’ na simula ng mag-umpisa ang war on drugs ng administrasyong Duterte.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa mahigit 42,000 na barangay sa Pilipinas, 24,766 ang ‘drug-cleared’ na, 6,575 ang ‘drug unaffected/drug-free’ at 10,704 ang may suliranin pa sa iligal na droga.
Nasamsam rin ang nasa 88.83 bilyong pisong halaga ng ibat-ibang droga, kung saan kabilang dito ang 76.17 bilyong pisong halaga ng shabu.
Naaresto naman ang 14,888 high value targets simula nang ilunsad ang anti-illegal drugs campaign noong 2016.
Batay pa sa ulat, aabot sa 6,241 drug suspects ang namatay sa 233,356 na ikinasang anti-illegal drug operations.