Nakatanggap na ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan ang nasa 242,453 na mga drayber ng pampublikong sasakyan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa tagapagsalita ng DSWD na si Director Irene Dumlao, kabilang ang mga drayber na nakatanggap ng naturang ayuda sa ikalawang bugso ng sap na aabot sa higit P1-M.
Mababatid na higit 13.8 milyong mga Pilipino ang benepisaryo ng SAP na aabot sa P87.2-M ang kabuuang pondong inilabas para sa naturang programa.