Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot na sa mahigit 24,000 personalidad ang naaresto sa ikinasang drug operation sa ilalim ng Marcos Administration.
Ayon kay DILG secretary Benhur Abalos Jr., nagpapatuloy sa mga drug raid at iba pang uri ng operasyon ang mga otoridad at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA program.
Kumpiyansa si Abalos na susuportahan at tutulong ang taumbayan sa pagsusumikap ng administrasyon na makamit ang kaayusan at katahimikan sa bansa.
Nanawagan sa publiko si Abalos na sakaling may kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar, ay agad itong ipagbigay alam o ireport sa lahat ng sektor ng lipunan para malabanan ang iligal na droga.
Nito lamang Sabado, halos 25K katao ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle para suportahan ang BIDA Grand Launching ng ahensya.