Mayroon lamang 2.45% o 24,698 sa mahigit isang milyong indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 ang napaulat na nakaranas ng Adverse Event Following Immunization (A.E.F.I).
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, sa nabanggit na bilang na nakaranas ng A.E.F.I, 17, 654 dito na indibidwal ang nakatanggap ng bakuna mula sa AstraZeneca habang 7,044 ang nakatanggap naman ng Sinovac.
24, 330 naman ang sinasabing hindi naman naging seryoso ang epekto samantala 344 ang naging seryoso ang reaksyon ng bakuna sa kanila at 24 ang nasawi.
Una rito, sinabi ng mga eksperto na ilan sa mga pangkaraniwang side effect ng bakuna ay lagnat, sakit ng ulo, sakit sa bahagi ng naturukan, pananakit ng kalamnan at high blood pressure.