Aabot sa 24,144 pamilya o katumbas ng 97,465 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers dahil sa epekto ng low pressure area, Northeast Monsoon at shear line.
Batay ito sa pinakahuling datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, kung saan kabilang sa mga naapektuhang lugar ang Regions 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 hanggang 12, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ilang kabahayan din ang napinsala dulot ng masamang panahon kung saan, 439 ang totally damaged habang 1,584 naman ang partially damaged.
Pumalo naman sa P59.6-M na halaga ng assistance ang naipagkaloob ng DSWD sa mga naapektuhang lugar.