Pumalo na sa higit 25 milyong Pilipino ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang naturang bilang ay kanilang naitala mula nang pasimulan ang pagpaparehistro para sa national ID noong nakaraang taon.
Ngayong buwan nga ay may karagdagang higit 15 milyon ang nakakumpleto sa step 1 registration nito.
Sa unang bahagi ng registration, kinabibilangan ito ng validation ng mga supporting documents at ang pagkuha ng biometrics information gaya ng fingerprints, at iba.
Samantala, tiwala naman ang pamunuan ng PSA na maaabot nito ang target nilang mairehistrong Pilipino sa national ID.