Sa gitna ng preparasyon para sa pista ng Itim na Nazareno at Santo Niño De Tondo, nakapagtala ng karagdagang 253 COVID-19 cases sa Maynila, kahapon lamang.
Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na sumampa na rin sa kabuuang 766 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Pinakamarami anya o 368 sa mga nagkasakit ay mula sa Tondo na pinaka-mataong lugar sa Maynila.
Ayon kay Moreno, umaabot na sa 41% ang occupancy rate sa 6 na pampublikong ospital sa Lungsod, habang 93% sa Manila COVID-19 hospital.
Dahil dito, muling hinimok ng Alkalde ang mga Manileño na magpabakuna dahil mas malaki ang tsansa na tamaan ng sakit ang mga unvaccinated, lalo ang mga may commorbidities.