Ligtas na mula sa kaguluhan sa Ukraine laban sa Russia, ang nasa mahigit 250 pilipinong naroon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, 259 sa mga pilipinong ito ay nakalikas na, 169 ang nasa iba’t ibang ligtas na borders at 90 ang na-repatriate.
Umabot naman sa 55 napauwing Pinoy ay mga seafarers.
Bagama’t aniya nahihirapan na ilikas ang mga seafarers partikular yung mga na-stranded sa Black Sea, tiniyak ni Arriola na mino-monitor ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lagay ng mga ito upang tuluyan nang mapauwi. —sa panulat ni Abby Malanday