Aabot sa dalawanlibo at limandaang (2,500) evacuees na ang tinamaan ng traumatic mental disorder sa Lanao del Sur sa harap ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay Lanao del Sur Provincial Health Officer Dr. Alinader Minalang, karamihan sa mga nakaranas ng mental disorder ay mga kababaihang nasa mga evacuation centers sa mga lalawigan sa Lanao at Iligan City.
Tiniyak naman ni Minalang na gumagawa sila ng hakbang upang mapanumbalik ang dating sistema ng mga na-trauma na evacuees.
Samantala, aabot na rin sa dalawampu’t walong (28) evacuees ang nasawi matapos na mahawaan ng iba’t ibang sakit habang nasa loob ng evacuation centers.
By Ralph Obina
Mahigit 2500 Marawi evacuees nagkaroon ng mental trauma was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882