Kinakailangan ang serbisyo ng higit 250,000 guro para sa darating na midterm elections sa Mayo.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Alain Pascua, magsisimulang sumalang sa training ang mga gurong magsisilbing electoral board members sa Pebrero.
Naniniwala naman si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na magiging mas smooth at mas madali ang automated elections ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na taon dahil mas maraming guro na ang ICT – savy.
Samantala, siniguro naman ng Commission on Elections (Comelec) at DepEd na mabibigyan pa rin ng honoria at allowances ang mga guro kahit pa reenacted budget ang siyang ginagamit ngayon ng gobyerno.