Ipinagmalaki ng Department of Migrant Workers (DMW) na dumadami na ang mga Pilipinong nakahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nakapagtala ng 255,429 na mga Pilipino ang nakahanap ng disenteng trabaho sa abroad.
Mas tumaas aniya ito ng 45% na mga Pilipino na nagkatrabaho abroad kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Gayunman, bubuksan na sa susunod na buwan ang deployment ng bansa sa Saudi Arabia matapos ang matagumpay na negosasyon para sa kapakanan ng mga OFW. —sa panulat ni Jenn Patrolla