Umabot na sa mahigit 25,000 ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Ayon sa inilabas na datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 93% o may katumbas na 25,010 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.
Nasa 26, 719 naman ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nakapagtala naman ng 965 na aktibong kaso ng COVID-19 at mayroong 744 bilang ng mga nasawi.
Nasa 93% o 25,010 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City. Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance…
Posted by Quezon City Government on Wednesday, 16 December 2020