Permanenteng nawalan ng trabaho ang mahigit sa 25,000 indibiduwal, sa gitna ng COVID-19 pandemic nito lamang Enero.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, mula ang nabanggit na mga manggagawa sa mahigit 1,400 mga food establishments.
Samantala, nasa isang daang at walong libong manggagawa naman ang kasalukuyan pa ring nasa flexible working hours o kabilang sa mga establisyimento na pansamantalang nagsara.
Ani tuyay, oras na magluwag na ang mga umiiral na restriksyon sa ekonomiya ng bansa, posibleng makabalik na ang mga nabanggit na manggagawa sa kanilang regular na pasok sa trabaho.
Una nang inirekomenda ng DOLE ang pagbibigay ng tatlong buwang subsidiya sa mga manggagawang patuloy na naaapektuhan ng pandemiya na posibleng magkahalaga ng 7,000 hanggang 11,000 kada buwan.
Gayunman, nananatili pa ring nakabinbin ang nabanggit na panukala ng DOLE sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.