Nananatiling mababa ang enrollment rate na naitatala ng Department of Education (DepEd).
Batay sa datos ng DepEd, pumalo lamang sa mahigit 17 milyon ang bilang ng mga enrollee para sa school year 2021-2022.
Mas mababa ito kumpara sa mahigit 26 milyong mag-aaral na nag-enroll sa nakalipas na school year.
Ngayong araw, nakapagtala ang DepEd ng mahigit 12 milyong enrollees sa buong bansa.