Natanggap na ng Comelec ang 26,396 local absentee voting ballots para sa eleksyon 2022 hanggang nitong Mayo a-3.
Ang naturang balota ay nagmula sa mga miyembro ng Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine National Police, Department of Education, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Media, Commission on Elections.
Gayundin, sa Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, Department of Foreign Affairs, Public Attorney’s Office, at National Power Corporation.
Aabot sa 84,357 applicants ang inaprubahan ng poll body na lumahok sa local absentee voting na isinagawa mula Abril 27 hanggang 29.