Aabot na sa 26,713 outbound passengers at 21,569 inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa bansa hanggang kaninang ala-6:00 ng umaga.
Ayon sa PCG, mahigit 2,000 (2,080) personnel ang idineploy sa 15 PCG districts at nainspeksyon na rin ang nasa 225 vessels at 242 motorbancas.
Nabatid na naka-heightened alert na ang buong PCG mula noong December 15, 2022 na tatagal hanggang January 7, 2023, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan.