Tinatayang nasa 27 kilo ng cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon Provincial Police Office kahapon.
Ayon kay Quezon Police Chief Sr/Supt. Rhoderick Armamento, apat na mangingisda ang nakapansin sa mga kontrabando na nakasilid sa plastic ang nakita na palutang-lutang sa Lamon Bay.
Mabahong amoy ang tumambad sa mga mangingisda nang buksan nila ang mga nakaplastic na bagay at nakumpirmang Cocaine nga ito nang mai-turn over sa crime laboratory ng Quezon PNP.
Kasalukuyan pang inaalam ang kabuuang halaga gayundin ang pinanggalingan ng nasabat na mga iligal na kontrabando at nakatakda na rin itong dalhin sa PNP crime lab sa Kampo Crame.