Papalo sa mahigit dalawampu’t pitong (27) milyon ang bilang ng mga mag-aaral ang magbabalik-eskuwela ngayong nalalapit na pasukan.
Sakop nito ang kindergarten, elementary, high school at senior high school.
Ayon sa Department of Education o DepEd, pinakamaraming enrollees ang grade 1 hanggang grade 6 na may nakarehistrong mahigit labindalawang (12) milyong estudyante sa public school.
Sinundan ito ng grade 7 hanggang 10 na nasa mahigit 6 milyong magbabalik eskuwela habang nasa mahigit isang milyon naman ang sasabak ngayong school year sa senior high school.
Samantala, aabot lamang sa 14.9 percent ang mga mag-aaral na nag-enroll sa mga private school na katumbas ng mahigt apat na milyong estudyante.
—-