Nananatiling stranded ang mahigit 2,700 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Luzon dahil sa bagyong Karding.
Batay sa incident report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa stranded passengers ay mula sa Bicol Region na may 1,944; MIMAROPA, 472; at Calabarzon 321.
Nasa 260 rolling cargoes, 24 vessels, at 13 motorbancas naman ang naistranded sa Calabarzon, MIMAROPA at Region 5.