Nakapagtala ng mahigit 2k aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang magnitude 7 na lindol sa northern Luzon.
Ayon kay PHIVOLCS Director Usec. Renato Solidum, naitala kahapon ang 2, 083 na recorded aftershocks kung saan, 696 dito ang naitala bilang plotted earthquakes, habang 29 naman ang naramdaman o mga felt earthquakes na may lakas mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.
Naramdaman naman ang Earthquake Intensity VII sa iba’t ibang bayan ng Abra na pinakamataas na na-record ng ahensya.
Sinabi ni Solidum na maaari pang maranasan ang mga aftershock sa loob ng ilang araw o maaaring abutin ng linggo o buwan depende sa paggalaw ng fault at mga bato.
Sa ngayon, patuloy pang binabantayan ng PHIVOLCS ang mga lugar na tinamaan ng lindol.