Patuloy na nakikipag-ugnayan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lokal na pamahalaan ng Davao City.
Ito’y kasunod ng nangyaring malawakang pagbaha sa lugar dulot ng walang patid na pag-ulan nitong nakalipas na mga araw bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito, ini-ulat ng NDRRMC na aabot sa 586 na pamilya o katumbas ng 2,215 na indibidwal ang apektado ng mga pagbaha sa nabanggit na lungsod.
Sa nabanggit na bilang, 142 pamilya o katumbas ng 415 na indibiduwal ang nananatili sa mga evacuation center habang ang iba naman ay nakituloy muna sa kanilang mga ka-anak. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)