Umabot na sa 2,000 healthcare workers ang idineploy sa ibang bansa ngayong taon.
Gayunman, nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na malayo pa umano ang bilang mula sa 7,500 yearly deployment cap.
Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, magpapatuloy ang deployment sa kabila ng mga ulat hinggil sa umano’y kakulangan ng tauhan sa mga ospital sa bansa.
Tinatalakay na anya ng technical working group ng Inter-Agency Task Force kung paano tutugunan ang understaffed hospitals.
Una nang hiniling ng Private Hospitals Association of the Philippines na limitahan sa 5,000 kada taon ang deployment cap para sa healthcare workers.