Mahigit 2,000 immunocompromised individuals ang nakatanggap na ng second booster dose.
Ayon sa Department of Health, kabuuang 2,100 individuals ang naturukang ng second booster jab hanggang nitong Abril 26.
Base sa pinakahuling vaccination data mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), mahigit 51.4M indibidwal ang kwalipikadong makatanggap ng booster doses, kung saan 13,043,715 o 25.34% ang na-administer hanggang nitong martes.
Target ng DOH na maturukan ang nasa 690,000 indibidwal para sa second booster dose.