Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,367 new COVID-19 cases, habang umabot naman sa 26,404 ang aktibong kaso sa buong bansa.
Sa tatlong magkakasunod na araw, pumalo sa mahigit 2,000 ang new infections na naitala ng kagawaran ng kalusugan.
Bahagyang tumaas ang active cases mula sa 26,399 nitong nakaraang Biyernes at sumipa naman sa 3,980,629 ang kabuuang kaso sa Pilipinas.
Sa nakalipas na dalawang linggo, sumirit sa 10,848 ang new infections sa National Capital Region, na sinundan ng CALABARZON na mayroong 5,345 cases, Central Luzon – 2,796, Davao Region – 1,422, at Western Visayas – 1,161 Covid-19 cases.
Umakyat naman sa 3,890,748 ang bilang ng mga gumaling matapos na madagdagan ito ng 2,232 new recoveries.
Samantala, mayroon namang naitalang 38 new deaths ang doh dahilan upang umabot na sa 63,477 ang death toll sa buong bansa.