Umabot na sa mahigit 2K kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan ng Laguna mula nang magsimula ang taong ito.
Ayon kay Health Officer Dr. Rene bagamasbad ng nasabing probinsya, nasa 2, 255 dengue cases ang naiulat mula noong january hanggang July 14.
Aniya, mayroon silang 3-year cycle na tinatawag kung saan tumataas ang kaso ng dengue.
Nabatid na huling naitala ang pagtaas ng bilang ng naturang sakit sa kanilang lugar noong 2019 kung saan umabot ito ng halos 22K.
Nanawagan naman si Bagamasbad sa mga barangay officials na panatilihing malinis ang kapaligiran at wasakin ang mosquito breeding sites.