Aabot na sa halos libo ang naturukan ng bakuna konta COVID-19 ng Sinovac simula ng umpisahan ng gobyerno ang vaccination program noong nakaraang Lunes, Marso a-uno.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, nasa kabuuang 2,793 medical frontliners ang nabakunahan ng CORONAVAC.
Naitala naman ng 12 kataong nakaranas ng negatibong epekto matapos mabakunahan.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng healthcare workers ngayong buwan ng Marso.