Pumalo na sa 7,237 na indibidwal o 2,047 pamilya ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang taal.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga apektadong residente sa 18 barangay sa lalawigan ng Batangas.
Nananatili sa 20 evacuation center ngayon ang 1,209 apektadong pamilya, habang 500 pamilya naman ang nananatili sa ibang mga lugar.
Sinabi ng NDRRMC na aabot sa mahigit P1.2-M na halaga ng assistance, kabilang ang food packs, ang inilaan ng pamahalaan para sa mga apektadong pamilya.