Natanggap na ng mahigit sa 3-M beneficiaries ng 4P’s program ang ayuda sa kanila ng pamahalaan na pinondohan ng mahigit sa P16.3-B.
Ayon kay Inter Agency Task Force Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sinimulang ihulog ito ng DSWD sa bank account ng mga beneficiaries mula noong Biyernes hanggang linggo para sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Samantala, sinimulan na rin anyang ipadala sa mga LGU’s ang ayuda para sa mga 4P’s beneficiaries na walang cash card.
Samantala, nilinaw ni Nograles na hindi na kasama ang mga 4P’s sa mga benefiaries naman ng social amelioration gayundin ang mga senior citizens na mayroon nang natanggap na ayuda mula sa ibang programa ng pamahalaan.
Hindi na yun kasama sa dapat tulungan o dapat bigyan ng social amelioration card ng LGU. So, nung namahagi ng allocation ang DSWD sa mga LGU’s considered na doon yung mga 4P’s na dapat hindi na isasama dun sa social amelioration card dahil meron na silang natanggap,” ani Nograles.