Fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mahigit 3.1 milyong mga batang edad lima hanggang labing isa.
Batay sa pinakahuling datos mula sa The National Task Force against COVID-19, ang naturang bilang ay katumbas ng halos 22.5% target para sa nasabing age group.
Kabilang sa mga hamon sa vaccine rollout ay dahil ilan sa mga magulang ay duda pa rin sa kaligtasan ng COVID-19 vaccines.
Pinayuhan naman ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Specialist, ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak lalo’t may presensya ng mas nakakahawang Omicron subvariants sa bansa.