Aabot sa 3.4 milyong bahay ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos magkaroon ng power line failure sa Southern Puerto Rico.
Ayon sa Puerto Rican Electric Power Authority, posibleng abutin pa ng hanggang 36 oras bago maibalik ang serbisyo ng kuryente.
Kabilang sa mga naapektuhan ng blackout ang mga isla ng Culebra at Vieques.
Matatandaang Setyembre ng nakaraang taon ng wasakin ng Hurricane Maria ang power grid sa Puerto Rico.
—-