Umaabot na sa kabuuang 31,700 mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang napauwi na sa kani-kanilang probinsiya.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac, mula Mayo 25 hanggang Mayo 31, mahigit 20,000 mga naistranded na OFWs ang kanilang napauwi sa probinsya.
Haabang nitong Lunes lamang, Hunyo 1, hanggang kahapon, Hunyo 5, may karagdagan pang 6,700 OFWs ang kanila na ring natulungan para makauwi sa probinsiya.
Sinabi ni Cacdac, batay sa kanilang datos umaabot sa 25,000 nang mga seafarers na nagtatrabaho sa mga cruise ships ang kanang narepatriate matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang mga trabaho.
Habang umaabot naman sa 18,000 ang mga land-based OFWs.
Inaasahaan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 42,000 pang mga OFWs na magbabalik sa bansa ngayong buwan.