Nasa 34 katao ang nasawi sa magkahiwalay na road accidents sa Turkey.
Ayon sa Local officials, nangyari ang aksidente sa isang highway sa pagitan ng Lalawigan ng Gaziantep at Nizip, kung saan bumangga ang isang pampasaherong bus sa emergency teams na reresponde sana sa naganap na road accident sa Southeastern Mardin Province.
Kabilang sa 15 nasawi ang tatlong bumbero, dalawang paramedics at dalawang journalists.
Sinabi ni Interior Minister Suleyman Soylu, na nasa 20 katao naman ang namatay sa naganap na aksidente sa Derik, Mardin Province, kung saan kabilang sa mga biktima ang isang Police officer.
Naaresto naman ang dalawang driver at naglunsad na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa aksidente.