Patay ang mahigit 30 katao sa pag-atake ng mga suicide bomber sa Shiite Shrine sa Baghdad Iraq.
Ayon sa joint Operations Command, maliban sa mga nasawi ay nakapagtala din ng 50 sugatan sa insidente.
Lumalabas sa ulat na namaril muna ang mga suspek sa loob at labas ng shrine bago tuluyang pasabugin ng tatlo ang mga suot nilang bomba.
Nangyari ang suicide bombing limang araw lamang mula nang maganap ang pinakamadugong pag-atake sa Iraq kung saan nasa mahigit 290 ang nasawi.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP