Tinatayang mahigit tatlumpung (30) bangkay ang narekober ng mga awtoridad sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, narekober ang naturang mga bangkay sa ikalawa at ikatlong palapag ng Resorts World kung saan karamihan sa mga ito ay nasawi dahil sa suffocation dulot ng nasusunog na bahagi ng casino hotel.
Ang naturang bilang ay bukod pa anila sa limampu’t apat (54) na nasugatan sa insidente at kasalukuyang nasa iba’t ibang pagamutan.
Matatandaang ang lalakeng responsable sa pamamaril sa Resorts World Manila ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili nito kayat mabilis na kumalat ang apoy sa casino hotel na nagdulot ng napakakapal na usok.
Samantala, batay sa pinakahuling bilang ng PNP Crime Laboratory , umabot na sa tatlumpu’t anim (36) ang narekober na bangkay sa Resorts World Manila.
By Ralph Obina
Mahigit 30 katao patay sa Resorts World attack fire was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882