Patay ang tatlumpu’t isa (31) katao matapos masunog ang isang ospital sa South Korea.
Ayon sa Yonhap News Agency, nakita ng dalawang nurse ang apoy mula sa emergency room ng nasabing limang palapag na gusali kung saan mayroong ospital at nursing home.
Nai-evacuate ang lahat ng mga pasyente bagamat ilan sa mga ito ay nasawi habang inililipat sa ibang ospital.
Tinatayang dalawandaan (200) katao ang nasa Sejong Hospital building nang magkaroon ng sunog dito.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente.
Magugunitang noong nakalipas na buwan ay dalawampu’t siyam (29) katao ang nasawi sa isang sunog sa fitness club sa Jecheon City sa South Korea.
—-