Nanguna ang Manila Police District (MPD) sa mga Distrito ng Pulisya sa Metro Manila na may pinakamaraming lugar na isinailalim sa Granular Lockdown.
Ito ay 3 araw matapos luwagan ang mga ipinatutupad na patakaran sa NCR nang ilagay sa Alert Level 2 ang Quarantine Classification nito.
Batay sa datos ng PNP Command Center, 35 lugar sa NCR ang nakapailalim sa granular Lockdown na binubuo ng 33 barangay sa 4 na lungsod at bayan.
22 lugar ang naka-lockdown sa lugar na sakop ng MPD, 11 naman sa Quezon City Police District habang tig-1 ang naitala sa Eastern at Northern Police Districts.
Tiniyak naman ng may 122 tauhan ng pulisya katuwang ang 101 force multipliers na mahigpit nilang ipatutupad ang health protocols sa mga apektadong lugar.—sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)