34 na checkpoints ang nai-set up sa Metro Manila para i-monitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson L/Col. Jenny Tecson, nagkasa na sila ng visibility patrol at random checking sa mga pampublikong sasakyan upang alamin kung nasusunod ang 70% kapasidad ng mga pasahero.
Samantala, pinayuhan naman ni Tecson ang lahat ng mga motorista at commuter na magdala ng vaccination cards sa lahat ng oras upag payagang makapasok sa mga checkpoint, mga mall at iba pang pampublikong lugar kabilang na ang pagsakay sa pampublikong sasakyan. —sa panulat ni Kim Gomez