Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa barangay Habay II, Bacoor City, Cavite, nitong Huwebes alas-3:30 ng hapon.
Ayon sa Bacoor Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula bandang alas-4:56 ng hapon.
Inilikas naman sa Basketball ourt ang mga naapektuhang pamilya na nasa 30 hanggang 33.
Patuloy namang iniiimbestigahan ng BFP ang dahilan ng sunog. – Sa panulat ni Airiam Sancho