Hindi bababa sa 31 minero ang nasawi matapos gumuho ang isang minahan sa Sudan.
Ayon kay Khaled Dahwa, pinuno ng State-Run Mineral Resources Company sa West Kordofan, walong iba pa ang nawawala habang isang indibidwal naman ang nailigtas mula sa gumuhong minahan ng ginto.
Sinabi pa ng isang opisyal ng kumpanya, na apat na minero rin ang nasawi noong Enero.
Ipinatigil na umano ng mga otoridad ang operasyon ng minahan at naglagay na rin ng seguridad doon ngunit makalipas ang ilang buwan ay umalis rin ang mga ito.
Itinuturing na pinakamapanganib na trabaho sa Sudan ang Artisanal Gold Mining dahil sa posibleng pagguho ng mga imprastraktura.