Umakyat pa sa tatlumpu’t dalawa (32) ang patay habang 30 ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang Leomaric Minibus sa Carranglan, Nueva Ecija.
Ayon kay Michael Calma ng Nueva Ecija Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, karamihan sa mga nasawi ay mga babae at may ilan pang mga bata gayundin ang nakatatanda.
Agad dinala ang mga sugatan at mga nasawi sa iba’t ibang pagamutan kabilang na ang Nueva Ecija Provincial Hospital, Veterans Regional Hospital, Indigenous People Hospital sa Aritao, Nueva Vizcaya at Sta. Fe Municipal Health Office.
Ayon pa kay Calma, walang concrete barrier sa bahagi ng kalsada kung saan bumulusok ang bus sa halos isandaang (100) talampakang bangin dahil nasa walo hanggang sampung metro ang layo ng mga harang sa bawa’t isa.
By Jaymark Dagala
*Photo Credit: Philippine Red Cross Nueva Vizcaya