Pumalo na sa 32 ang bilang ng nasawi habang nasa 159 naman ang sugatan sa bakbakan sa Libya.
Sumiklab ang bakbakan sa Kabisera na Tripoli, sa pagitan gobyerno ng Libya at militanteng grupo.
Kumalat sa internet ang tindi ng sagupaan sa pagkakasira ng dose-dosenang gusali kabilang na rito ang mga tirahan, gayundin ang pagkawasak at pagkakasunog ng ilang mga sasakyan.
Nanawagan ang UN Mission sa Libya ng cease fire sa pagitan ng dalawang grupo at umapela rin ito sa lahat ng partido na itigil na ang paggamit ng anumang uri ng hate speech at pagsisimula ng karahasan.
Samantala, pansamantalang balik operasyon na ang mga flights at nagbukas na rin ang mga shops sa Tripoli matapos kumalma ang sagupaan sa pagitan ng dalawang kampo.