Patay ang mahigit 30 sakay ng isang Russian military transport plane matapos na bumagsak ito sa Syria.
Ayon sa Russian Defense Ministry, bumagsak ang nasabing eroplano malapit sa kanilang air base sa Latakia Province.
Sa inisyal impormasyon, natukoy na nagkaroon ng technical problem ang nasabing eroplano na naging dahilan ng pag-crash nito.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may bumagsak na eroplano ang Russia sa Syria.
—-