Nakatakdang ibahagi ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 30,000 sako ng bigas na nasabat ng ahensya sa port of Zamboanga.
Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Finance Secretary Carlos Dominguez at Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ayon sa BOC Zamboanga, nasabat ang naturang mga bigas sa isang warehouse sa Baliwasan, Zamboanga City matapos na matuklasang walang claimant ang naturang mga bigas.
Isasalang sa hearing sa unang linggo ng Enero ang naturang mga bigas at kung wala pa ring lulutang na claimant ay ibibigay na ito sa tanggapan ng DSWD.